Pag-aaral sa Konstitusyon, idagdag bilang kurikulum sa paaralang sekondarya –Sen. Estrada

Pag-aaral sa Konstitusyon, idagdag bilang kurikulum sa paaralang sekondarya –Sen. Estrada

NAIS ni Senator Jinggoy Estrada na isama sa curriculum sa mga paaralang sekondarya ang pag-aaral sa Konstitusyon ng Pilipinas.

Sa Senate Bill No. 1443, sinabi ni Estrada na paraan ito upang madagdagan at mas lumalim ang kaalaman ng mga Pilipino sa kanilang mga karapatan at responsibilidad.

Para na rin maitanim sa mga utak ng mga mag-aaral ang pagiging makabayan.

Mainam aniya itong idagdag kasabay sa mga subject sa ilalim ng STEM program ng K to 12.

Sa kasalukuyan ay isinasama lang ang pag-aaral ng Konstitusyon ng bansa sa ilalim ng Araling Panlipunan at hindi bilang hiwalay na subject.

 

Follow SMNI News on Twitter