Pag-ako ng ISIS sa pagsabog sa isang unibersidad sa Marawi City, inaalam ng AFP

Pag-ako ng ISIS sa pagsabog sa isang unibersidad sa Marawi City, inaalam ng AFP

PATULOY ang ginagawang berepikasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ulat na inako ng ISIS ang pagsabog sa Mindanao State University sa Marawi City.

Ito ang inihayag ni AFP Public Affairs Office chief Colonel Xerxes Trinidad sa gitna ng imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Ayon kay Trinidad, nakikipagtulungan ang AFP sa Philippine National Police (PNP) upang matukoy ang “bomb signature” na ginamit sa pampasabog.

Maliban sa ISIS, tinitingnan din ang posibleng pagkakasangkot ng Daulah Islamiyah – Maute Group sa insidente matapos mapatay ang kanilang lider sa operasyon ng militar.

Sa ngayon, naka-heightened alert ang AFP upang masiguro ang kaligtasan ng publiko at upang mapigilan na maulit ang insidente.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter