INAASAHANG bababa ang pag-angkat ng bigas ngayong taon.
Ilan sa nakikitang dahilan nito ay ang pagbaba ng presyo ng lokal na palay, kaya’t hindi na gaanong kaakit-akit para sa mga negosyante na mag-angkat ng maraming bigas.
Kasama rin dito ang pagkakaroon ng mas maayos na panahon para sa lokal na produksiyon dahil wala nang El Niño at iba pa.
Ngunit ayon sa grupong Federation of Free Farmers (FFF), mananatili pa ring sapat ang aangkatin upang pababain ang presyo ng lokal na bigas.
Noong 2024, umabot sa humigit-kumulang 4.8 milyong metrikong tonelada ng bigas ang inangkat ng Pilipinas.
Sa kasalukuyan, nasa 500 libong metriko tonelada (504,727 MT) pa lang ang naaangkat ng bansa.
Mas mababa ito ng 34.5% kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon batay sa datos ng Bureau of Plant Industry (BPI).
Follow SMNI News on Rumble