Pag-convert ng COVID-19 quarantine at isolation facility sa mga evacuation site, isusulong ni Angara

Pag-convert ng COVID-19 quarantine at isolation facility sa mga evacuation site, isusulong ni Angara

ISUSULONG ni Senator Sonny Angara na i-convert ang COVID-19 quarantine at isolation facility sa mga evacuation site para sa mga indibidwal na apektado ng mga sakuna.

Ayon kay Angara, gusto niyang makita ang utilization rate ng mga pasilidad na ito at hinala niya na marami sa kanila ang hindi na ginagamit ngayon.

Aniya maaari nilang gamitin ang mga ito sa pamamagitan ng pag-convert sa kanila bilang mga evacuation center para sa mga pamilyang naapektuhan ng mga bagyong humagupit sa bansa ng ilang beses sa isang taon.

Paliwanag pa ni Angara sa halip na suspendihin ang mga klase magagamit ng mga lumikas na pamilya ang isolation facility bilang evacuation area, kasama ang mga multi-purpose court o gymnasium.

Samantala iminungkahi ni Angara ang assessment para magamit ang quarantine at isolation facility na sinasabing kontrolado na ang COVID-19.

Follow SMNI NEWS in Twitter