NAKAKASAKIT sa damdamin ng kasalukuyang administrasyon ang mga ‘laughing’ reactions ng mga tao sa posts nila.
Ayon ito kay Atty. Trixie Cruz-Angeles ngayong umabot na sa puntong dini-disable o tinatago na ng kasalukuyang administrasyon ang bilang ng gumagamit ng laughing emoji bilang reaksyon sa kanilang social media pages.
Sinabi nga lang ng butihing abogado na hindi ito nararapat na hakbang ng mga nasa administrasyon.
Mas mainam na tutukan ng mga nasa gobyerno ang problemang kinaharap ng mga tao imbis na magpabango para sa eleksyon.