HINDI na mag-iimprinta ng mga balota ang Commission on Elections (COMELEC) para sa kauna-unahang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ngayong Mayo.
Tanging ang mga balotang gagamitin para sa national at local elections ang itutuloy sa pag-imprinta. Ito ay kasunod ng pagsuporta ng Malacañang sa panukala ng Senado na ipagpaliban muna ang BARMM general polls.
Ayon sa panukalang inihain sa Senado, maaaring ganapin ang halalan sa rehiyon sa Oktubre ngayong taon.