NAGPAPASALAMAT si Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia dahil buo na ang COMELEC en banc makaraang pormal nang makakaupo ang dalawang bagong mga commissioner.
Ito ay makaraang nakapanumpa na sa tungkulin ngayong araw sina Commissioner Ernesto Ferdinand Maceda Jr. at Nelson Celis.
Si Maceda Jr. ang itinalagang kapalit sa binakanteng pwesto ni Garcia na ngayon ay Chairman na, habang nire-appoint naman ng Malakanyang si Celis makaraang na by-passed ng Commission on Appointment (CA).
Dahil nakumpleto na ang pitong miyembro ng COMELEC en banc ay kumpiyansa at tiniyak ni Garcia na matututukan at mas mabilis na nilang maaaksyunan ngayon ang nakabinbing mga programa ng COMELEC.