Pagbabago at kaunlaran ng bansa isinusulong ng PDP-Laban

Pagbabago at kaunlaran ng bansa isinusulong ng PDP-Laban

PATULOY na isinusulong ng PDP-Laban ang mga repormang naglalayong magdala ng makabuluhang pagbabago at pangmatagalang kaunlaran sa Pilipinas.

Sa gitna ng hamon ng modernisasyon at pag-unlad, nananatiling matibay ang partido sa kanilang misyon na isulong ang kapakanan ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng matatag na pamamahala, progresibong mga polisiya, at tunay na malasakit sa bayan.

Habang hinuhubog ang kinabukasan ng bansa, itinatampok ng PDP-Laban ang pangangailangang pagkaisahin ang mamamayan sa ilalim ng isang epektibong gobyerno na may pananagutan at dedikasyon sa serbisyo publiko.

Sa pangunguna nito sa mga inisyatiba para sa pagbabago, tutugunan ng partido ang mga pangunahing suliranin ng bansa at isusulong ang adhikain para sa mas maunlad at matatag na Pilipinas.

Ayon kay Congressman Isidro “Sid” Ungab, lubos siyang nagpapasalamat sa pagtakbo ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa pagka-senador, dahil buo ang kaniyang tiwala na makakapagbigay ito ng solusyon sa matagal nang kinakaharap na problema ng bansa.

Pastor Apollo C. Quiboloy, isang tunay na lider—Maisug Davao del Sur chairperson

Samantala, ayon kay Flordeliz Matas, Maisug Davao del Sur chairperson, naniniwala siya sa kakayahan ni Pastor Quiboloy na tuparin ang lahat ng kaniyang pangako.

Aniya, hindi ito isang politiko kundi isang tunay na lider na may pagmamahal sa bayan at tutugunan ang mga suliranin ng bansa.

Ang naturang pagtitipon ay nag-iwan ng ‘di malilimutang marka sa puso ng mga taga-Los Amigos at sa lahat ng nakasaksi sa tagumpay nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble