SA harap ng mga lider ng European Union, matapang na sinita ni US Vice President JD Vance ang isyu ng religious freedom sa UK.
Nakarating sa ikalawang pangulo ng Estados Unidos ang hinaing ng mga Kristiyano sa Europa na tila nagiging biktima ng diskriminasyon.
Sa kaniyang talumpati sa Munich Security Conference sa Germany, mariing kinondena ni Vance ang sitwasyong kahit ang tahimik na pagdarasal sa pampublikong lugar ay itinuturing nang krimen.
“A little over two years ago, the British government charged Adam Smith-Connor, a 51-year-old physiotherapist and an army veteran, with the heinous crime of standing 50 meters from an abortion clinic and silently praying for three minutes,” pahayag ni Vice President JD Vance, United States of America.
Ayon kay Vance, nakababahala ang ganitong batas na tila sumasakal sa kalayaan sa paniniwala.
Bukod pa rito, mabigat ang ipinapataw na parusa sa sinumang lalabag.
“Not obstructing anyone, not interacting with anyone, just silently praying on his own. After British law enforcement spotted him and demanded to know what he was praying for, Adam replied simply it was on behalf of the unborn son he and his former girlfriend had aborted years before,” dagdag ni Vance.
Ang tinutukoy ni Vance na ‘BUFFER ZONES LAW’ ng UK ay nagtatakda ng “safe access zones” sa paligid ng mga klinika at ospital na nagbibigay ng serbisyo ng aborsiyon.
Lawak ng batas mula sa isang health facility:
-150-meters na hangganan ang itinakda sa paligid ng lahat ng klinika at ospital na nag-aalok ng serbisyo ng aborsiyon sa England at Wales.
Mga Posibleng Paglabag:
Kasama sa mga ipinagbabawal na aksiyon ang:
-Pamimigay ng mga anti-aborsiyon na polyeto
-Pagpoprotesta laban sa karapatang mag-aborsiyon
-Pagsigaw sa mga indibidwal na sumusubok mag-access ng mga serbisyo
-Panalangin, kabilang ang tahimik na panalangin, at mga vigil na maaaring ituring na nakakaimpluwensya sa desisyon ng isang tao.
Layunin ng batas na ito na protektahan ang mga kababaihan mula sa posibleng harassment o panggugulo habang sila ay kumukuha ng mga serbisyong ito.
Ngunit ayon kay VP Vance, maging ang pagdarasal sa loob mismo ng pribadong tahanan sa Scotland ay maaari na ring ituring na krimen.
“But no, this last October, just a few months ago, the Scottish government began distributing letters to citizens whose houses lay within so-called safe access zones, warning them that even private prayer within their own homes may amount to breaking the law. Naturally, the government urged readers to report any fellow citizens suspected guilty of thought crime. In Britain and across Europe, free speech, I fear, is in retreat,” ayon pa kay Vance.
Samantala, sa Amerika, muling pinapalakas ang freedom of religion sa ilalim ng Trump administration.
Katunayan, ipinahinto ni US President Donald Trump ang weaponization ng DOJ at FBI laban sa ‘People of Faith’ sa US.
Isa sa mga lubhang naapektuhan ng religious persecution sa ilalim ng Biden administration ay ang Kingdom of Jesus Christ (KOJC).
Ngunit hindi lang sa Europa at Amerika umiiral ang religious persecution.
Ayon sa political commentator na si Elmer Jugalbot, mas matindi pa rin ang panggigipit sa mga taong simbahan sa Pilipinas.
Isa sa pinakamalinaw na halimbawa rito ay ang 16-day KOJC Siege kung saan higit 5,000 armadong pulis ang sumalakay sa Kingdom of Jesus Christ Compound sa Davao City.
Ang layunin?
Hanapin si KOJC Spiritual Leader Pastor Apollo C. Quiboloy, na isang biktima ng political persecution sa ilalim ng rehimeng Marcos Jr.
Pagkontra sa religious freedom sa UK at US, ginawa rin sa KOJC—Political Commentator
“Makikita mo ‘yan no, hindi lang sa Europa kundi dito na rin sa Pilipinas. At una na nga diyan (KOJC) kayo na nga ‘yung pinakamalaking ebidensya no na inano ‘yung rights ninyo, viniolate. Tinapakan ‘yung rights ninyo to freedom of worship and religion,” giit ni Elmer Jugalbot, Political Commentator.
Nakapagtataka, ani Jugalbot, na ang Trump administration sa Amerika ay nagpapahalaga sa religious freedom.
Ngunit sa ilalim ng administrasyon ni Marcos Jr., na malapit sa mga Amerikano, tila nalalapastangan ito.
Kung magiging senador, tiniyak ni Pastor Apollo Quiboloy ang pagsusulong ng mga batas upang protektahan ang religious places sa bansa.
Dahil kung nagawa ang paglapastangan sa KOJC Compound—na isang banal na dako para sa 7 milyong mananampalataya—hindi malayong mangyari din ito sa iba pang simbahan sa Pilipinas.
Follow SMNI News on Rumble