Pagbabawas ng rasyong pagkain ng US sa Bangladesh ikinababahala ng Rohingya refugees

Pagbabawas ng rasyong pagkain ng US sa Bangladesh ikinababahala ng Rohingya refugees

IKINABAHALA ng Rohingya refugees sa Bangladesh ang desisyon ng Estados Unidos na bawasan ang mga rasyong pagkain para sa kanila simula sa susunod na buwan.

Sa anunsiyo ng United Nations-World Food Program, ipatutupad ang pagbabawas ng mga rasyong pagkain simula April 1 sa Cox’s Bazar, Bangladesh.

Tinatayang posibleng makaapekto ito sa nutrisyon ng mahigit isang milyong refugees.

Ang desisyon ay kasunod ng pagpapatigil ni US President Donald Trump noong Enero 20 sa karamihan ng kanilang foreign aid.

Ayon kay Trump, isasailalim nila sa isang 90-araw na pagsusuri kung mainam bang ipagpatuloy ang pagbibigay ng foreign aid sa iba’t ibang bansa.

Maliban dito, binuwag pa ni Trump ang US Agency for International Development.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter