90 percent na mula sa kabuuang P103.5-B na obligasyon ng Department of Health (DOH) sa health emergency allowance (HEA) ang nabayaran.
Katumbas ito ng 14.5 million claims mula sa health workers.
Nauna nang sinabi ng DOH na mayroong P27.3-B na HEA obligations ang hindi nila mababayaran dahil hindi na sapat ang pondo para dito mula sa 2024 budget.
Subalit ipinag-utos na ng Malacañang na bayaran na ito at hindi na antayin pa ang 2025 budget.
Para mabayaran ay ginamit ang isinauli nang pondo ng PhilHealth para sa natitira pang HEA claims.
Ang health emergency allowance ay nagsisilbing kompensasyon sa health workers at non-health workers na nagbigay serbisyo noong panahon ng COVID pandemic.