INAPRUBAHAN na ng Food and Drug Administration (FDA) sa United States ang pagbebenta ng lab-grown meat.
Ito’y matapos nilang matiyak na ligtas itong kainin.
Binigyan na rin ng permiso ang dalawang kompanya na ‘Upside Food’ at ‘Good Meat’ na magbenta ng cell cultivated o cultured meat.
Ang cultivated meat ay pinalalaki sa steel tanks gamit ang cells mula sa buhay na manok at fertilized na itlog.
Mabibili naman ang cultivated chicken meat ng mas mataas na halaga kumpara sa kinatay na mga manok.