Pagbibigay ng food at non-food items sa mga apektado ng Bagyong Agaton, tuloy-tuloy – DSWD

Pagbibigay ng food at non-food items sa mga apektado ng Bagyong Agaton, tuloy-tuloy – DSWD

SINIMULAN na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbigay ng karagdagang food and non-food items sa mga apektadong lokal na pamahalaan ng Bagyong Agaton.

Ayon kay Dir. Irene Dumlao, spokesperson ng DSWD, nakikipag-ugnayan na sila sa mga lugar na napinsala ng bagyo.

Ani Dumlao, nakapagpadala na ang ahensya ng mahigit P4.2 milyong halaga ng augmentation supports sa Davao del Norte.

Naghahanda rin ang DSWD sa paghatid ng karagdagang family food packs sa Eastern Visayas.

Magpapahatid din ang field office ng mga family food packs na nagkakahalaga ng mahigit P500, 000 sa bayan ng Baybay at Abuyog.

Ganoon din ang DSWD Field Office, partikular ang Field Office VIII na may mga naka-preposition na mga family food packs sa iba’t ibang lugar.

Sa Allen, Northern Samar ay mahigit 400,000 family food packs na ang naka-preposition.

Bilang paghahanda ng DSWD Field Office sa kakailanganing karagdagang supply ng pagkain, ang Visayas Disaster Response Center ay maghahatid din ng karagdagang 20,000 family food packs batay sa request ng field office ng ahensya.

BASAHIN: Bilang ng namatay dahil sa Bagyong Agaton, umabot na sa 58

Follow SMNI News on Twitter