KATAKA-taka ang sinabi ng Nobel Peace Prize na dumedepensa si Rappler CEO Maria Ressa sa press freedom na syang dahilan sa pagtanggap nito ng parangal.
Ayon ito kay Integrated Development Studies Institute (IDSI) Research Center Political Analyst at Professor Austin Ong.
Aniya, nagpapatuloy pa rin ang operasyon ng ABS-CBN sa online, isang patunay na may press freedom ang Pilipinas.
Sa kabila ito ng pagpapasara sa ere ng Kongreso sa naturang broadcasting network dahil sa ilang paglabag sa konstitusyon.
Sinabi pa ni Ong na ang ibang mga news outfit pa nga na kumakalaban rin sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nagpapatuloy pa rin ang kanilang operasyon basta’t gumagalaw sila sa ilalim ng batas.
Pinabulaanan rin ni Ong ang usaping diktador umano si Pangulong Duterte ayon sa Rappler.
Hindi naman aniya manananatiling mataas ang high approval rating ng pangulo kung diktador ito.
Walang politiko ayon kay Ong ang nakakuha ng ganoong mataas na trust rating mula umpisa ng kanyang pamamahala maliban lang kay Pangulong Duterte.