Pagbigay ng paliwanag para sa pagbawi ng PI signatures, optional—COMELEC

Pagbigay ng paliwanag para sa pagbawi ng PI signatures, optional—COMELEC

NILINAW ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi obligado ang mga nagsumite ng People’s Initiative (PI) signature na magbigay ng paliwanag kung babawiin na nila sa komisyon ang mga signature form.

Ito ang withdrawal form na inilabas ng COMELEC noong Pebrero 15, araw ng Huwebes, para sa mga gustong bawiin na ang kanilang isinumiteng signature forms para sa PI.

Sa unang table, ay fifill-upan ng proponent na nagsumite ng lagda ang personal nitong detalye gaya ng pangalan, address, presinto, barangay, lungsod o bayan na kinabibilangan nito, probinsiya at ang kaniyang distrito.

Sa pangalawang table ay ang paliwanag kung bakit niya babawiin ang PI Forms.

Ang bagay na ito, pinuna ng mga senador gaya ni Sen. Imee Marcos at Sen. Joel Villanueva.

Ayon sa Senate Majority Leader, hindi na dapat humingi pa ng paliwanag ang COMELEC dahil karapatan naman ng nagsumite na bawiin ang forms.

“Hindi po dapat hingan pa ng paliwanag ang ating mga kababayan na nais bawiin ang kanilang mga pirma dahil karapatan po nila ito,” ani Sen. Joel Villanueva.

Ang COMELEC, sa isang text message, nilinaw na optional lamang ang pagbibigay ng paliwanag para sa pagbawi ng pirma.

Aniya may paliwanag man silang ibibigay o wala, ay tatanggapin nila ang mga withdrawal forms.

“With or without the reason/s, we will accept the withdrawal forms,” saad ni Atty. George Garcia, Chairman, COMELEC.

As of kahapon araw ng Linggo, ay wala pang sumunod sa isang bayan sa Antique sa pagbawi ng pirma.

Sa ngayon ay suspendido pa rin ang anumang proseso sa PI simula nang suspendihin ito ng COMELEC noong Enero.

Magre-resume lang aniya ang proseso sa PI kung buo na ang kanilang bagong guidelines para sa PI.

Wala namang ibinibigay na timeline ang COMELEC para sa pagbuo ng guidelines.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble