Pagbisita ni FPRRD kay President Xi, magpapalamig sa hidwaan sa pagitan ng PH-China—Atty. Roque

Pagbisita ni FPRRD kay President Xi, magpapalamig sa hidwaan sa pagitan ng PH-China—Atty. Roque

MAGPAPALAMIG sa pinalalalang hidwaan sa pagitan ng China at Pilipinas ang ginawang pagbisita ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay President Xi Jin Ping sa Beijing.

Ito ang sinabi ni dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque sa kaniyang programa sa SMNI News.

Ayon kay Roque, alam ni President Xi na sinikap talaga ni dating Pangulong Duterte na maging maayos ang relasyon ng Pilipinas at China dahil magkapitbahay lang ang mga ito.

Sa kabila nito ay makikita namang bumabawi si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa China kahit pa na marami sa kaniyang mga adviser ay pabor sa Estados Unidos.

Ipinunto pa ni Roque na ang Pilipinas at China ay matagal nang may ugnayan bago pa man dumating ang mga Amerikano sa Asya.

 

 

Follow SMNI NEWS on Twitter