Pagbisita sa Kamara ng mga opisyal ng Vietnam, pinaghahandaan

Pagbisita sa Kamara ng mga opisyal ng Vietnam, pinaghahandaan

PUSPUSAN ngayon ang paghahanda sa Batasang Pambansa sa nakatakdang pagbisita ng mga opisyal ng bansang Vietnam para sa inaasahang pagbisita nito sa Kamara.

Katunayan, nagtungo na sa Batasan ang advance party ng Vietnamese government sa pangunguna ni Hoang Huy Chung para ayusin ang mga paghahanda.

Ngayong Nobyembre 23 ang pagdating sa Pilipinas ng National Assembly ng Vietnam sa pangunguna ni Chairman Vuong Dinh Hue at Vice Chairman Nguyen Khac Dinh.

Nakatakda ang kanilang pulong sa nasabing araw kay Speaker Martin Romualdez at iba pang House Leaders para palakasin pa ang ugnayan ng Pilipinas at Vietnam.

Follow SMNI NEWS in Twitter