SA kabila ng masungit na panahon at tuluy-tuloy ang pagbuhos na ulan dala ng Bagyong Aghon ay hindi natinag kahapon ang pagbubukas ng car-free sa Roxas Blvd. sa lungsod ng Maynila.
Pinangunahan ni Manila City Mayor Honey Lacuna-Pangan, ang paglalakad sa car-free Roxas Blvd. sa Manila Bay kasama ang kaniyang bise alkade, at ang mga opisyal sa Manila City Hall.
Ilan sa mga nakilahok ay ang mga biker run, jog walk, exercise, at eskates.
Nagpaabot ng pasasalamat si Mayor Pangan sa mga participating establishments na sumusuporta sa Move Manila Project ng City Government of Manila!