NILINAW ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na nasa 46 na Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) lang sa bansa ang may lisensiya at nag-rebranding bilang internet gaming licensees.
Madalas makikita ito sa Metro Manila.
Nasa humigit-kumulang 250 naman anila ang hindi na napagkalooban muli ng lisensiya ngunit patuloy na nag-ooperate.
Ang mga walang lisensiya na POGO ay pinaniniwalaan nilang hindi sangkot sa gaming activities kundi sa pro-criminal activities.
Hinggil sa mga napaulat na POGO hub malapit sa military bases, napakaliwanag ayon sa PAGCOR na ito ay ilegal.
Matatandaang ipinapahinto na ni Department of National Defense Sec. Gibo Teodoro Jr. ang operasyon ng POGO malapit sa military bases.
Ito’y para maiwasan aniya ang mga kriminal na aktibidad na nagiging sanhi sa paghina ng financial standing, ratings ng bansa at pamamayagpag ng korapsiyon sa lipunan.