Pagdami ng Chinese students sa Pilipinas, pangunahin sa natalakay sa pulong ng inter-agency

Pagdami ng Chinese students sa Pilipinas, pangunahin sa natalakay sa pulong ng inter-agency

NATAPOS na ang pulong na isinagawa ng Inter-Agency Committee on Foreign Students.

Sinabi ng Bureau of Immigration (BI) na partikular sa natalakay ng komite ay ang pagdami ng mga Chinese national na nag-aaral dito sa Pilipinas.

Aminado naman si Immigration Commissioner Norman Tansingco na napapanahon na para maging aktibo ang inter-agency tungkol sa mga usaping may kaugnayan sa national security.

Batay aniya sa rekord ay higit na sa 1,500 na student visa ang naibigay o na-isyu sa mga Chinese students sa Cagayan na pawang mga inendorso ng isang malaking unibersidad dito sa bansa, pero halos 500 lang ang naka-enroll at halos 100 naman ang naka-online.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter