INAASAHAN ni OFW Party-list Rep. Marissa ‘Del Mar’ Magsino ang pagtaas sa bilang ng mga kabataang kukuha ng nautical course sa kolehiyo.
Ito’y matapos ibalik ng European Commission ang commitment sa pagkuha sa mga Pilipino seaman sa member countries nito.
Nauna nang nagbanta ang komisyon na hindi na tatanggap ng mga Pilipino seafarer dahil sa non-compliance ng Pilipinas sa International Convention on Standards of Training, Certification and Watch keeping for seafarers (SCTW).
Pero ngayon na may commitment na ang European Commission, asahan ani Magsino ang pag-doble sa bilang ng enrollees ng mga gustong mag-seaman sa susunod na pasukan.
Panawagan ng kongresista sa mga nautical school na magdagdag ng training facility at training ships para maging akma at updated ang kasanayan ng estudyante.
Sila naman sa gobyerno ay gagawa ng paraan ani Magsino para matulungan ang sektor para sa skills upgrade ng mga marinong Pilipino.
“Marami tayong mga training schools na kailangang madagdagan pa at masuportahan ang ating gobyerno kasi maraming mga training schools ang walang training vessels kung saan dapat mag-train ang ating mga Filipino seafarers,” saad ni OFW Party-list Rep. Marissa ‘Del Mar’ Magsino.