Pagdinig ng DOJ sa pagpaslang kay Percy Lapid, ipinagpaliban sa Dec. 5

Pagdinig ng DOJ sa pagpaslang kay Percy Lapid, ipinagpaliban sa Dec. 5

IPINAGPALIBAN ng Department of Justice (DOJ) ang pagdinig sa kaso ng pagpaslang sa radio broadcaster na si Percy Lapid at umano’y middleman na si Jun Villamor.

Ito ay dahil mali ang nalagay na middle name ni suspended BuCor chief Gerald Bantag sa kaniyang subpoena.

Sa ipinakita ng abogado ni Bantag na si Atty. Rocky Tomas Balisong, ang nakalagay sa subpoena ay Gerald Bantag Y “Soriano” imbes na Gerald Bantag Y “Quitaleg”.

Ayon kay Balisong, ang maling middle name sa subpoena kay Bantag ay “fatal” dahil ibang tao ang tinutukoy nito at hindi ang kanyang kliyente.

Itinakda ang susunod na pagdinig sa Disyembre 5, 2022 kung saan sinabi ni Balisong na maaring dumalo rito si Bantag sa pamamagitan ng zoom.

Follow SMNI NEWS in Twitter