Paggamit ng air asset ng militar laban sa CTGs sa Pilar Abra, hindi kalabisan—PH Army

Paggamit ng air asset ng militar laban sa CTGs sa Pilar Abra, hindi kalabisan—PH Army

NILINAW ngayon ng Philippine Army (PA) na hindi sila tumitigil sa pagtugis sa mga natitirang myembro ng Communist Terrorist Groups (CTGs) na CPP-NPA-NDF.

Ito’y kahit paunti-unti nang lumilipat ang mga kasundaluhan sa pagbabantay sa labas ng teritoryo ng bansa.

Sinabi ni LtGen. Roy Galido, commanding officer ng Philippine Army, na inatasan sila ng Pangulo ng bansa na tapusin na ang problema sa insurhensiya.

“We were task on 31 March to finish and to really put a stop and we exerted effort and continuous to, tulad ng sabi ko dati CTG hindi ganun kadali but with the effort of everybody unti-unti natin silang nadi-diminished” wika ni LtGen. Roy Galido, Commanding Officer (PA).

Sunud-sunod ang engkuwentro ng tropa ng kasundaluhan at CPP-NPA-NDF sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Sa kabila nito, nagpapasalamat pa rin si LtGen. Galido dahil hindi aniya sila nag-iisa sa laban kontra terorismo.

“Relentless campaign against CTG, hindi naman tayo nag let go and then ‘yung cooperation ng mga local chief executives is very important kaya nakukuha natin sila community talaga, these are community outputs,” saad ni Galido.

Samantala, nilinaw rin ni Galido ang patungkol sa paggamit ng militar ng air asset para tugisin ang mga terorista sa Pilar, Abra.

“Hindi too much ‘yun eh kung may nadali sa mga atrocities nila eh too much ‘yung ginagawa nila in other way” dagdag ni Galido.

Kaugnay rito ay ipinaliwanag din ni BGen Ferdinand Melchor dela Cruz commander ng 501st Infantry Brigade ng Philippine Army kung bakit kinailangan nilang gumamit ng air support sa Pilar Abra.

“In the Armed Forces, we have more lethal weaponry actually na pwedeng gamitin kaya lang we have protocols kaya nga hindi ganun kalakas ang gamit natin, tamang-tama lang din at na-satisfy natin ‘yung elements at parameters which is ‘yung distance from pinakamalapit na house o kubo man lang na hindi identified at ang pinapatunayan ‘yan ay hanggang ngayon wala namang nagrereklamo na residente,” pahayag ni BGen. Ferdinand Melchor dela Cruz, Commander, 501st IB, PA.

Sa huli, binigyang-diin ng mga opisyal na nagtatagumpay ang pamahalaan laban sa mga komunistang teroristang grupo at maging ang komunidad ay tumutulong na upang magapi ang mga natitirang miyembro nito.

“Unfortunately for them, ‘yung mga masa mismo ang nag-report kung nasaan sila. Actually, this crisis that happened is a demonstration po ng magandang cooperative ng mga local government agencies,” dagdag ni Dela Cruz.

“Well the CTG are on the run, were on the offensive and no let-up pa rin ito. Yes, they are remnants sabihin natin mga matitigas ang ulo and ayaw pa, we have open our doors sabi nga natin eh mag-surrender na kayo, bumaba na kayo kung ayaw nyo hahabulin namin kayo at itong paghahabol hindi lang kami ang naghahabol, even the communities are go after them at resulta ito ng cooperation ng communities” ani Galido.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble