Paggamit ng de-kuryenteng appliances, iwasan ngayong may bagyo, pagbaha—DOE

Paggamit ng de-kuryenteng appliances, iwasan ngayong may bagyo, pagbaha—DOE

HANGGA’T maaari ay mas mainam kung iwasan ang paggamit ng de kuryenteng appliances ngayong may bagyo at mga pagbaha.

Payo ito ng Department of Energy (DOE) para maging ligtas at maiwasan ang sakuna.

Ipinaalala na rin ng DOE na mag-charge ng cellphones, power banks, emergency lights, at iba pang device bilang bahagi ng paghahanda sa bagyo.

Samantala, dahil sa masungit na panahon, sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines na walang suplay ng kuryente ngayon ang ilang lugar sa Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Northern at Eastern Samar, at Leyte.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble