PANALO ang Pilipino kung tutukan ng bansa ang paggamit ng renewable energy.
Ito ang pahayag ni dating Agriculture Secretary Arthur Yap sa isang interview kasabay ng kaniyang pag-file ng Certificate of Candidacy para sa darating na 2025 midterm elections.
Si Yap ay tatakbo bilang nominee ng Murang Kuryente Party-list.
Aniya malaking bahagi ng income ng bawat Pilipino ang napupunta sa bayarin sa kuryente.
Maibaba aniya ito sa pamamagitan ng renewable energy o malinis na suplay ng enerhiya na indemand ngayon para maibsan ang climate change.
Kabilang dito ang wind energy, geothermal, at solar energy, at iba pa na may mababang installation cost.
“There is no other way to make energy more reliable than thru renewables. If we can have more renewables and more investors, ‘yan ang tinitingnan natin sa Kongreso. To streamline the policies in power to attract more investors. ‘Pag marami ang investors jan bababa ‘yung presyo,” ayon kay Former Secretary Arthur Yap, 1st Nominee, Murang Kuryente Party-list.