Paggamit ng social media, ipinagbabawal na sa lahat na prison facilities—BuCor

Paggamit ng social media, ipinagbabawal na sa lahat na prison facilities—BuCor

IPINAGBABAWAL na rin sa loob ng lahat na prison facilities sa buong bansa ang paggamit ng social media ayon sa Bureau of Corrections (BuCor).

Kasunod ito sa kanilang naunang anunsiyo na ipagbawal na ang paggamit ng cellphones sa lahat na nasa loob ng kanilang mga opisina, piitan, at penal farms sa buong bansa.

Maging ang sinumang nasa loob din ng New Bilibid Prison camps.

Partikular na saklaw sa ‘No Cellphone Policy’ ang mga bisita, commissioned at non-commissioned officers, civilian personnel, at iba pa na papasok sa kanilang premises.

Sa paliwanag ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., nakatutulong ang hakbang upang mapalakas ang seguridad at professionalism sa prison facilities.

Hinggil sa paggamit ng social media, kung kinakailangan naman, tanging official BuCor emails gaya ng gmail o yahoo lang ang pinapahintulutang gamitin ng kanilang mga personnel.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble