Paggawad ng WHO ng EUA sa Sinopharm, magpapadali sa EUA approval sa bansa —local distributor

Paggawad ng WHO ng EUA sa Sinopharm, magpapadali sa EUA approval sa bansa —local distributor

WELCOME development para sa MKG Universal Drug Trading Corporation- ang local distributor ng Sinopharm vaccine, ang paggawad ng World Health Organization (WHO) ng Emergency Use Authorization (EUA) para sa nasabing bakuna.

Ayon kay Atty. Mark Tolentino ng MKG, inaasahan nila na bibilis ang EUA approval ng Food Drug Administration (FDA) sa Sinopharm dahil sa EUA authorization ng WHO.

“Yung Sinopharm binigyan po ng EUA because it is safe, it is effective and na-comply po nila ang minimum standard ng World Health Organization as one of the safest vaccine available ngayon. So, ‘pag binigyan kasi ng World Health Organization ang isang bakuna ibig sabihin kinikilala po sa buong mundo na effective and safe,” pahayag ni Tolentino.

“So hopefully pag-nakumpleto na natin ang lahat ng mga requirements sa pag-apply ng FDA, the FDA within upon the submission of the requirements within a week. So, ma-a-approve na po ng FDA lalo na kung na-approve na nila yung ibang mga bakuna na walang Sinopharm na may World Health Organization EUA. Hindi lang yan World Health Organization EUA, ginamit pa ng ating mahal na Pangulo,” dagdag ni Tolentino.

Nauna nang sinabi ni Tolentino na nasa 25 milyong dosis ng Sinopharm vaccine ang darating sa bansa ngayong taon.

Sa ngayon, ang Sinopharm ang pinakaunang non-western produced vaccine na inaprubahan ng WHO.

Bukod sa Sinopharm, ginawaran ng EUA approval ng WHO ang mga bakuna ng Pfizer, AstraZeneca, Johnson & Johnson at Moderna.

Dahil sa EUA approval, natitiyak ng WHO ang “safety, efficacy and quality” ng Sinopharm vaccine.

Ayon naman sa MKG, 84% ang efficacy rate ng Sinopharm.

Sa ngayon, nasa 65 million dosis ng nasabing bakuna ang nagamit na sa buong mundo.

Ang Sinopharm ay gawa ng Beijing Institute of Biological Products- na isang state-owned company ng Chinese government.

May hinihintay na lamang na requirement ang MKG mula sa Chinese embassy para pormal silang makapag-apply ng EUA sa FDA.

Ang FDA naman, naghihintay na lamang din ng EUA application sa Sinopharm.

(BASAHIN: Pagpapabakuna ni Duterte gamit ang Sinopharm vaccine, welcome development- local distributor)

SMNI NEWS