Pagguho ng puno sa Maynila na ikinasawi ng 3 katao, paiimbestigahan ng DILG

Pagguho ng puno sa Maynila na ikinasawi ng 3 katao, paiimbestigahan ng DILG

IPINAG-utos ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos ang imbestigasyon sa nangyaring pagguho ng puno na ikinasawi ng 3 katao at ikinasugat ng 9 na iba pa sa lungsod ng Maynila.

Inatasan ni Abalos ang Bureau of Fire Protection (BFP) na manguna sa isasagawang imbestigasyon.

Napag-alaman batay sa ulat ng Manila Disaster Risk Reduction Management Council, ilang bahay sa tabi ng isang creek sa Barangay 294 sa Alvarado St., Recto, Manila ang gumuho matapos mabagsakan ng isang puno noong Huwebes ng gabi, Mayo 18.

Nagpaabot naman ang kalihim ng DILG ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi sa insidente at tiniyak ang tulong ng pamahalaan sa mga biktima.

Samantala, pinuri naman ni Abalos ang maagap na pagresponde ng BFP at MDRRMO sa insidente.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter