Variant ng Mpox virus sa Davao City dati nang na-detect sa Pilipinas

Variant ng Mpox virus sa Davao City dati nang na-detect sa Pilipinas

KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na ang naitala sa Davao City ay kapareho sa variant ng monkeypox virus na dati nang na-detect sa Pilipinas.

Kasunod ito sa kumpirmasyon ng Davao City Health Office noong Abril 16, 2025 na may dalawa silang kaso ng Mpox.

Ang tinutukoy ay ang Clade II variant na ayon sa National Institute of Allergy and Infectious Diseases ay naitala sa bansa noong taong 2022.

Ikinokonsidera itong ‘mild’ kumpara sa Clade I variant.

Samantala, ang dalawang pasyente ng Mpox sa Davao City ay dinala sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) isolation facility ngunit ang isa ay pumanaw na dahil sa mga komplikasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble