BILANG bahagi ng maagap na hakbang upang mapalakas ang kakayahan ng bawat sundalo ng 8th Infantry Division sa pagtugon sa mga sakuna, isinagawa na nasabing unit ang Joint Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) Class 01-2025.
Sa naturang hakbang isinalang sa tatlong-araw na pagsasanay ang tropa ng 8ID na may temang “PAGPARIG-ON” Exercise.
Aabot naman sa 120 indibidwal mula sa 8ID at Bureau of Fire Protection Special Rescue Unit–Tacloban ang sumama sa naturang joint HADR training.
Layon ng nabanggit na pagsasanay na mapabuti ang koordinasyon sa pagitan ng mga yunit at mapalakas ang kabuuang kahandaan sa pagtugon sa mga sakuna.
Kabilang sa ginawang pagsasanay ang simulation ng malawakang senaryo ng sakuna, kabilang na ang high-angle at mountain search and rescue, urban search and rescue, real-time medical evacuation operations, at survival knot-tying.
Ayon kay Col. Ronald Illana, commander ng Joint Task Group-Tacloban na sa pamamagitan aniya ng pagsasanay na ito, kumpiyansa silang mas marami pang buhay ang maliligtas, dahil mas handa na aniya silang ngayon.
“This HADR training, as part of the PAGPARIG-ON Exercise, is a manifestation of our commitment to protect lives and communities through shared responsibility. With this training, I am confident that we will be able to save more lives, as we are now more prepared than ever,” pahayag ni Col. Ronald Illana, Commander, Joint Task Group-Tacloban.
Kabilang sa mga unit na dumalo sa PAGPARIG-ON Exercise ang 2nd Civil-Military Operations Company, 93rd Infantry Battalion, at 804th Community Defense Center.