Paghahanda sa earthquake, lumutang sa  komite ni Revilla

Paghahanda sa earthquake, lumutang sa komite ni Revilla

SA pagpapatuloy ng muling pagdinig sa Senado ay pinangunahan ni Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. bilang chairperson ng Committee on Public Works ang ginagawang paghahanda ng iba’t ibang ahensiya kaugnay sa sunod-sunod na lindol na yumayanig sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Naging sentro ng talakayan ang kaugnay sa umiiral na Building Code, National Infrastructure Development Plan at iba pang adhikaing pangkaligtasan upang mapagtibay na mayroong mga hakbangin ang iba’t ibang ahensiya na dumalo sa naturang pagdinig sa Senado.

Sa dinami-dami ng iprenisinta at mga paliwanag hinggil sa mga pinaghahandaang proyekto ay lumutang pa rin ang pangamba hinggil sa banta ng ‘The Big One’ na anumang oras ay maaaring magpabuka sa napakalaking fault line sa malaking bahagi ng Metro Manila at ilang karatig-lalawigan.

Dahil sa init ng paliwanagan ng mga dumalong senador at tagapagsalita ng mga ahensiya tulad ng Department of Public Work and Highways (DPWH) , PHIVOLCS, MMDA at iba pa ay naisasantabi pansamantala ang mga panukalang batas hinggil dito na nakatakda namang harapin sa susunod na pagdinig.

Follow SMNI NEWS in Twitter