LABAG sa Saligang Batas ang paghadlang sa isang mapayapang pagtitipon ng mga mamamayan.
Ito ang iginiit ni Human Rights Lawyer at Former Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque kaugnay sa matinding panggigipit na naranasan ng mga organizer ng MAISUG Peace Rally sa Bulacan.
“Hoy kayong mga LGU, wala kayong karapatan na pumayag o hindi sa rally. Ang karapatan nyo lang ay sabihin kung san ‘yung lugar, oras, at manner ng pagtitipon. Pero ang rally permit ay nasa Saligang Batas…bill approved ‘yan,” ayon kay Human Rights Lawyer at Former Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque.
Karapatan ng mga mamamayan ang magtipon upang maipahayag ang kanilang pananaw at saloobin.
Iyan ang iginiit ni Atty. Roque sa special coverage ng Pilipinas nating Mahal ng SMNI noong Linggo.
Ipinunto ni Roque ang nakasaad sa Saligang Batas na right to peaceful assembly o karapatan ng mga Pilipino na magtipon ng mapayapa nang walang takot sa pang-aapi o represyon mula sa pamahalaan.
“Alam nyo po ‘yung right to peaceful assembly, ito po ay isang karapatan na nanggagaling po ‘yan sa bill of rights, hindi po ‘yan nanggagaling sa gobyerno, hindi po ‘yan nanggagaling sa LGU,” diin nito.
Ihinalimbawa ni Atty. Roque ang Primicias versus Fugoso case, at ang rally na ginawa ng dating presidential spokesman kasama ang isang grupo sa Mendiola noon.
“Lumang-lumang kaso na ho, Primicias vs Fugoso, hindi po galing sa LGU ang permit para mag rally, ang ating permit po ay galing sa Saligang Batas. Ang… lamang ng LGU ay ‘yung time, place, at manner ng kanyang pagra-rally. At alam nyo ba ‘ho noong time ni PGMA, eh tayo pa po ang nagpunta sa Korte Suprema na pinagbawal po magrally jan sa may San Beda diyan sa Malacañang. Ang sabi ng Korte Suprema, inulit ‘yung Primicias vs Fugoso na hindi ang lokal na pamahalaan ang nagbibigay ng approval para mag rally, sila ay time, place at manner lamang. At kapag ang lokal na pamahalaan ay ‘di nag-approve ng rally permit nang walang dahilan bukod sa clear and present danger, bill[?]-approved ‘yan. Alam ko ‘yan dahil ang ginawa ko po ay talagang nag rally kami dahil walang permit, mag Sunday best kayo, magpaka sosyal kayo don ng hindi tayo maging clear and present danger dahil mga sosyalista ‘yung mga nagra-rally don.”
“Sabi ng ating Korte Suprema, ang ating mga kalye ay talagang health? Entrusted para sa mga mamayang nagtitipon-tipon hindi talaga ‘yan para sa mga sasakyan. ‘Yan ay para sa mga mamamayan magtipon-tipon at ipahayag ang saloobin nila na napakaimportante sa isang demokrasya,” dagdag ni Roque.
Ayon pa kay Atty. Roque, hindi naman kailangan ng permit mula sa LGU kapag magtitipon-tipon sa isang private property.
Matatandaan na idadaos sana ang MAISUG Peace Rally sa Bulacan sa isang pribadong lugar noong nakaraang linggo. Ngunit dahil sa panggigipit na naranasan ng mga organizer at pagharang sa kanila sa araw mismo na dapat gaganapin ang rally, napagdesisyunan na ikansela na lamang ito.
“’Yung rally ay nasa pribadong property, hindi kailangan ng permit mula sa LGU,” aniya pa.
Samantala, nang tanungin si Atty. Harry Roque sa kaniyang reaksiyon sa pahayag ni Bustos, Bulacan Mayor Francis Albert “Iskul” Juan kung bakit hindi siya nagbigay ng permit, ito ang kaniyag sagot.
“Nagsabi ngayong hapon si Mayor Juan na nasa otoridad daw nya na pigilan ang kaguluhan kaya hindi siya nagbigay ng permit. Ang kanyang konsepto ng rally ay kaguluhan kaagad Atty. Harry Roque,” ani Ka Eric.
“Unang-una ang sabi po ng Korte Suprema doon sa kaso na hinain natin na vs City Mayor of Manila, ang tanging dahilan para hindi maaprubahan ang rally permit ay kung mayroong clear at present danger. Bakit? Mambobomba ba ako? Mambobomba ba si Lorraine? Si Eric? May dala ba tayong sandata? Hindi po natin ginagawa ‘yan. Ang gumagawa nyan ‘yung kaalyado nilang teroristang CPP-NPA. Wala pong CPP-NPA na terorista sa ating hanay. Ang ating mga armas ay ating mga bibig at damdamin. At syempre ‘yung mga presensya ng napakaraming mga mamamayang na nagpapahiwatig na pikang-pika na sila sa polvoronic administrasyon ni PBBM,” saad ni Roque.