Paghimok ni ex-SC Justice Carpio kay Pastor Apollo na dumalo sa pagdinig ng Kongreso, binara ni Atty. Panelo

Paghimok ni ex-SC Justice Carpio kay Pastor Apollo na dumalo sa pagdinig ng Kongreso, binara ni Atty. Panelo

BINARA ni dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo ang pahayag ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na kailangang humarap sa pagdinig ng Kongreso si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Kasunod na rin ito sa inilabas na subpoena laban sa butihing Pastor.

Aniya pa, naglabas na ng desisyon ang Korte Suprema ukol sa subpoena power ng Kongreso laban sa isang indibidwal.

“Sabi ng Korte Suprema dyan, unang-una dapat iyan ay in-aid of legislation. Kailangan ipakita mo talaga na bakit? Ano ba ‘yung gusto mong i-inquire into. Anong batas ba iyan? Ano bang problema nyan? Kailangan bang amyendahan iyan. Kailangan bang i-repeal iyan. Nakita mo iyan? pahayag ni Atty. Salvador Panelo – Dating Chief Presidential Legal Counsel.

Malinaw naman para kay Panelo ang pagdinig laban kay Pastor Apollo ay in-aid of grandstanding.

Ipinunto rin ni Panelo na iba ang sitwasyon ng pagdinig laban sa butihing Pastor dahil inaakusahan ito na gumawa ng krimen.

“Ang subject of inquiry ay kaugnay po sa pag-commit ng krimen. At sinasabing krimen ang kanyang ginawa kaya dapat hindi sa Kongreso o sa Senado, kailangan sa hukuman na. Iyon ang pinaka-main opposition doon. Kasi ang mandato talaga sa pag-commit ng krimen one, ang executive department sa pamamagitan ng DOJ will have to investigate and determine a probable cause at pag mayroong probable cause, judiciary na, papasok na ‘yung pagdidinig. At hindi po maibibigay iyan ng komite sa Kongreso o Senado,” dagdag ni Atty. Panelo.

Samantala, una nang sinabi ni Pastor Apollo na hindi ito dadalo sa pagdinig ng Senado at maging ng Kamara.

Hinamon din ang mga nag-aakusa sa kaniya ng krimen na magsampa ng kaso sa korte.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter