Paghiwalay ng Mindanao sa Luzon at Visayas, posibleng magdulot ng kaguluhan—PNP chief

Paghiwalay ng Mindanao sa Luzon at Visayas, posibleng magdulot ng kaguluhan—PNP chief

POSIBLENG magkagulo, ito ang babala ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa mungkahing paghihiwalay ng Mindanao sa bansa bilang isang republika.

Sa panayam ng media sa Kampo Krame kay PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. sinabi nitong hindi magandang tingnan ang nasabing mungkahi dahil sa magdudulot ito ng pagkakawatak-watak ng mga Pilipino.

At para hindi ito mangyari, patuloy ang monitoring na ginagawa ngayon ng PNP sa mga posibleng grupo na nasa likod ng pagsusulong sa nasabing mungkahi.

Sa ngayon wala pang nakukuhang impormasyon ang PNP sa mga pagkilos ukol rito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble