Pagiging isang lingkod bayan ni VP Sara, hinubog ng Davao City at ng mga Dabawenyo

Pagiging isang lingkod bayan ni VP Sara, hinubog ng Davao City at ng mga Dabawenyo

HINUBOG ng Davao City at ng mga Dabawenyo ang pagkatao ni Vice President Sara Duterte bilang isang lingkod bayan.

Ito ang naging mensahe ni Vice President Duterte nang makipagkita siya sa mga barangay official ng Davao kamakailan.

Aniya siya ay nagpapasalamat sa  napakahalagang papel na kanilang ginampanan sa buhay niya bilang isang lingkod bayan.

Ayon kay VP Duterte na ang lahat ng itinuro ng mga Dabawenyo ang nagbigay sa kaniya ng alab na huwag bitawan ang kaniyang mga paniniwala at paninindigan sa pamamahala.

Dagdag pa ng pangalawang pangulo na kung hindi dahil sa pagiging isang Bisayang promdi hindi siya maging malakas at matatag bilang Vice President ng bansa ngayon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter