Pagiging kabahagi ng mga dating MNLF, MILF sa PNP, hindi banta sa seguridad

Pagiging kabahagi ng mga dating MNLF, MILF sa PNP, hindi banta sa seguridad

WALANG banta sa seguridad ang pagiging kabahagi na ngayon ng dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) sa Philippine National Police (PNP).

Tiniyak ito mismo ng PNP matapos na nasa 100 dating combatant fighters ang nakakumpleto ng isang 6-month training na isinagawa ng Bangsamoro Police sa ilalim ng basic recruitment course.

Sinabi ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, maingat nilang isinalang sa screening at background investigation ang 100 na kabahagi na ng kanilang hanay.

Sa katunayan, nasa 11-K ang aplikante na mga dating combatant fighter at itong 100 ang napili nila.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble