‘MAARING tama noong isinasagawa pa ang survey.’ Ito ang opinyon ni Atty. Salvador Panelo hinggil sa inilabas ng Social Weather Stations (SWS) kamakailan na +36 na net satisfaction ng publiko sa kasalukuyang administrasyon.
Subalit aniya, hindi na ito totoo sa kasalukuyan dahil sa samut-saring mga isyung kinakaharap nila.
Ang SWS survey na ito ay isinagawa noong Disyembre 12 hanggang 18, 2024 ngunit ang resultang ito ay kapareho sa naging resulta ng kanilang survey noong Setyembre 2024.
Sa kaparehong December 2024 survey nga, 59 percent anila ang Pinoy na satisfied sa kasalukuyang administrasyon habang 23 percent lang ang dissatisfied.
Follow SMNI News on Rumble