MAYROON nang tinatayang pitong libong mag-aaral na nakarehistro sa Philippine State College of Aeronautics (PhilSCA), na mayroong humigit-kumulang 2,800 na nagtatapos kada taon.
Kung maisabatas ang panukala, ayon kay PhilSCA President Marwin Dela Cruz, target nilang madagdagan ang bilang ng mga iskolar sa susunod na tatlong taon tungo sa 9,000 mag-aaral.
“And if it will increase that in the process of democratization, ma -increase pa natin ito ng another 20% increase of graduates of their capability, probably in the next 3 years we will producing and addressing of the need in the industry of little less about 12,000 workers,” saad ni Prof. Marwin Dela Cruz, President, Philippine State College of Aeronautics.
Ang PhilSCA ang tanging state-funded institusyon sa bansa na nag-aalok ng mga programang nakatuon sa aviation sciences.
Ito rin ang nag-iisang paaralan na mayroong master’s programs sa aeronautical education at management.
Ang pagiging Pambansang Akademya ng Aviation ay magbibigay sa PhilSCA ng mas malawak na mandato at kakayahan upang magbigay ng mas mataas na kalidad ng edukasyon at pagsasanay sa mga mag-aaral na nais magtrabaho sa industriya ng aviation.
Layunin din nitong makabuo ng mga bihasang piloto, mekaniko, at iba pang mga propesyonal na makakatulong sa paglago ng sektor ng aviation sa Pilipinas.
“Ang objective po natin, ’yung mga graduates po natin hindi lang po sya para gobyerno, kaya ang talagang focus nito ay pareho, commercial and civil, magbibigay din sya ng support sa security agencies natin,” wika ni Rep. Ron Salo, Kabayan Party-List.
“Pinakikita nyo dito na ang dadami nyong graduates na mahuhusay at gusto pa natin na dumami pa kayo para ma-address natin ang kakulangan ng bilang ng mga piloto dito sa Pilipinas, plus eventually maipadala kayo sa iba-ibang bansa para maipakita na globally competitive ang husay at galing ng mga Pilipinong piloto,” saad ni Atty. Rems Cuatro, Legal staff, office of Sen. Ramon Bong Revilla, Jr.
Noong Oktubre ng nakaraang taon, isinagawa ang committee hearing sa panukalang batas.
Noong Nobyembre naman, nagkaroon ng technical working group meetings, at nitong Enero ngayong taon, sinimulan na ang committee report na inisponsor noong nakaraang linggo.
Follow SMNI News on Rumble