Pagiging “well-hydrated” ngayong tag-init, ipinaalala ng DOH

Pagiging “well-hydrated” ngayong tag-init, ipinaalala ng DOH

MANATILING “well-hydrated” ngayong tag-init o nakararanas ng mataas na temperatura ayon sa Department of Health (DOH).

Sa isang pahayag ni DOH Asec. at Spokesperson Albert Domingo, ito’y dahil malaki ang tsansa ng pagkakaroon ng heat stroke.

Sa paliwanag nito, walang kakayahan ang katawan ng tao na alisin ang init at kung wala nang mapupuntahan ang nararanasang init ay nagreresulta na ito ng heat stroke.

Madalas na sintomas ng heat stroke ay pagkawala ng malay at maging pagkalito.

Sa mga malalang kaso ay ang pagkakaroon naman ng heart attack.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble