PINALAWIG pa ng korte sa Timor Leste ang pananatili sa detention facility doon si dating Negros Oriental Rep. Arnie Teves.
Kasunod ito ng pagkakahuli sa dating mambabatas habang naglalaro ng golf sa syudad ng Dili.
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Teves, labinlimang araw pa mananatili sa Timor Leste si Teves kaya hindi ito nadala ng tauhan ng National Bureau of Investigation pabalik sa Pilipinas.
Paglilinaw pa ni Topacio, walang deportation o extradition na napag-uusapan ngayon sa kaso ni Teves taliwas aniya sa pahayag ng Department of Justice.
Itinakda naman ang pagpapatuloy ng trial ni Teves sa Marso a-bente singko.
Posible namang idulog ng kampo ni Teves sa United Nations Commission on Human Rights ang umano’y pang-uusig sa dating mambabatas.
Matatandaan na si Teves ang itinuturong suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba pa noong March 10, 2023.