INAMIN kamakailan ni SAGIP Party-List Rep. Rodante Marcoleta na hindi na siya masaya sa Kamara.
Aniya, hindi na tatalima ang mga ito kahit pinagsasabihan kung ano ang dapat gawin para hindi magkaroon ng away sa politika.
Kapag siya rin aniya ang nagsasalita ay ginugulo at pinagtutulungan na siya ngayon ng mga kongresista.
Hirit pa ni Cong. Marcoleta, mayroon pang sinasabi ang mga kongresista na ‘pagkakaisa’ tungo sa pangangalaga sa bansa ngunit paano nga ba aniya mangyayari ito kung ipinapa-impeach si Vice President Sara Duterte.
Kung tutuusin ani Marcoleta, bakit ang pinagtutuunan ng pansin ng mga kongresista ay ang impeachment na mas marami naman sanang problema ang bansa na dapat atupagin.
Halimbawa na dito ang isyu sa mataas at ‘stable’ na suplay na kuryente sa bansa.