LABAG sa batas ang bawat pagkakaroon ng brownout ayon sa isang mambabatas.
Ayon kay Deputy Speaker at SAGIP Party List Rep. Rodante Marcoleta sa panayam ng SMNI News, nakasaad sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) Law na layunin nitong makapagbigay ng stable na power supply.
Ayon kay Marcoleta, hindi naman talaga sana mangyayari ito kung ginagawa lang ng mga ahensya ng pamahalaan ang kanilang tungkulin.
Aniya, aabot sa mahigit 25, 000 megawatts ang dependable capacity ng power plants sa bansa, bagay na sapat naman bilang supply.
Ang ginagawa kasi aniya ng mga malalaking power plant, bigla nalang nilang inihihinto ang kanilang operasyon na hindi nagsasabi sa Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC).
Ang resulta, tatagilid talaga ayon kay Marcoleta ang power supply reserves.