Pagkakaroon ng cyber and emerging threats office, ipinag-utos ni PBBM

Pagkakaroon ng cyber and emerging threats office, ipinag-utos ni PBBM

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang pagkakaroon ng cyber and emerging threats office sa ilalim ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Binigyang-diin ng Pangulo na kinakailangan na mapanatiling tiyak ang national security lalo na’t pabago-bago na rin ang mga uri ng banta.

Ito ang dahilan kung bakit nararapat na magkaroon aniya ng opisinang tututok dito.

Itatayo ang Office of the Deputy Director General (ODDG) for Cyber and Emerging Threats sa pamamagitan ng Executive Order No. 54 at nakabatay rin dito ang reorganization ng NICA.

Sakaling mabubuo na ay mandato sa nabanggit na opisina ang gumawa ng overall planning, supervision at coordination hinggil sa counter-intelligence at counter-measures laban sa cybersecurity, at iba pang uri ng banta.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble