Pagkamatay ni ex-PNP Chief Cascolan, posibleng may foul play ayon sa mga kamag-anak

Pagkamatay ni ex-PNP Chief Cascolan, posibleng may foul play ayon sa mga kamag-anak

MAY hinala ang mga kamag-anak ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Camilo Cascolan na biktima ng “foul play” ang dating PNP chief.

Hinihikayat nito na imbestigahan ang asawa ni Cascolan dahil ayon kay Maita Cascolan- Andres, isa sa mga kapatid ng dating PNP chief, posibleng may binabalak nang masama ang asawa ng kapatid noon pa dahil binawalan silang bumisita nang ma-diagnose ng lung cancer noong Marso ang dating PNP chief.

Kahina-hinala rin umano ang naging desisyon ni Amelia na iuwi mula sa St. Luke’s Medical Center ang dating PNP chief matapos nakaranas ng stroke ilang buwan ang nakalipas nang ma-diagnose ito ng cancer.

Sa kuwento pa ng kapatid, agaran pang isinailalim sa cremation ang labi ni Cascolan ilang oras lang nang pumanaw ito.

Buwan ng Hulyo nang may inihain nang reklamo ang mga kapatid ni Cascolan laban sa asawa nito at may guardianship petition din ito sa isang korte sa San Juan dalawang linggo bago pumanaw ang dating PNP chief noong Nobyembre 25.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble