Pagkapanalo ng Gilas Pilipinas Women, pinuri ng Army chief

Pagkapanalo ng Gilas Pilipinas Women, pinuri ng Army chief

PINURI ni Philippine Army (PA) Commander Lt. Gen. Romeo Brawner, Jr. ang Gilas Pilipinas Women sa pagkapanalo nito laban sa Chinese Taipei.

Ayon kay Gen. Brawner, kahanga-hanga ang ipinamalas na kahusayan at propesyonalismo ng dalawang army baller sa mundo ng isports gayundin ang buong Gilas Pilipinas Women Team sa kanilang hindi natitinag na dedikasyon na umakyat sa internasyonal na kompetisyon sa basketball.

Dagdag pa ni Brawner, ang partisipasyon nina Privates First Class (PFC) Janine Pontejos at France Mae Cabinbin sa FIBA Women’s Asia Cup 2023 ay isang katagumpayan sa buong PA at ng bansang Pilipinas.

Tinalo ng Gilas Women ang Chinese Taipei sa score na 92-81 sa FIBA Women’s Asia Cup 2023.

Pinaghahandaan naman ngayon ng koponan ang susunod nilang laban.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter