Pagkasawi ng batang nahulugan ng puno sa Mandaue, dapat may managot

Pagkasawi ng batang nahulugan ng puno sa Mandaue, dapat may managot

ISANG anim na taong gulang na batang lalaki ang nasawi matapos mahulugan ng bumagsak na puno habang naglalaro sa labas ng kanilang bahay sa Barangay Ibabao-Estancia, Mandaue City noong Abril 1.

Ayon sa mga residente, matagal na nilang inirereklamo at hinihiling sa lokal na pamahalaan na putulin ang nabubulok na puno simula pa noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Naglabas ng pahayag si Mayor Glenn Bercede na magkakaroon ng imbestigasyon upang alamin kung sino ang dapat managot sa insidente.

Aniya, hindi dapat basta matawag na aksidente ang pangyayari kung may kapabayaan sa panig ng gobyerno.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble