Pagkatapos ng engkuwentro, senior citizens sa Balayan Batangas, nakatanggap ng cash bonus mula sa pamahalaan

Pagkatapos ng engkuwentro, senior citizens sa Balayan Batangas, nakatanggap ng cash bonus mula sa pamahalaan

SA kabila ng nangyaring engkuwentro kamakailan, ang lokal na pamahalaan ng Balayan, Batangas ay patuloy sa tungkulin nito na tugunan ang mga pangangailangan ng pamayanan.

Kaya naman namahagi ng cash bonus ang lokal na pamahalaan ng Balayan Batangas sa mga senior citizen alinsunod sa ordinansa ng lokal na pamahalaan na 764 (2021-02).

Kabilang ang mga senior citizen sa mga residente na natakot kaugnay sa presensiya ng mga komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF na nakasagupa ng kasundaluhan sa Brgy. Malalay, Balayan, Batangas.

Matatandaan na matapos ang engkuwentro sa pagitan ng 59th Infantry Battalion at rebeldeng grupo nooong Disyembre 17 ay sinisikap ng mga awtoridad na manumbalik sa normal ang buhay ng mga residente sa nasabing lugar.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble