Pagkukulang ng suplay ng kuryente, aasahan sa Visayas at Luzon—pag-aaral

Pagkukulang ng suplay ng kuryente, aasahan sa Visayas at Luzon—pag-aaral

MAAARING magkulang ang suplay ng kuryente sa bansa sa huling bahagi ng tag-init kung kailan karaniwang tumataas ang konsumo ng kuryente.

Batay ito sa power outlook ng Institute for Climate and Sustainable Cities, lalo na’t inaasahan ang pagdami ng mga planta na hindi na magagamit.

Partikular na sinabi nila na makararanas ng mas kaunting power reserves ang mga grid sa Luzon at Visayas sa Mayo at Hunyo.

Ito na anila ang posibleng magiging dahilan para maglagay ng supply alert status ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ang yellow alert ay itinataas kapag mas mababa ang suplay ng kuryente kumpara sa karaniwan dahil sa pagnipis ng mga reserba.

Ang red alert naman ay kapag hindi na sapat ang suplay ng kuryente at maaaring magkaroon ng rotational brownouts o manual load dropping sa mga apektadong lugar.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble