Pagkumpirma ng CA sa appointment nila Celis at Maceda, magpapadali sa trabaho ng COMELEC

Pagkumpirma ng CA sa appointment nila Celis at Maceda, magpapadali sa trabaho ng COMELEC

INIHAYAG ng Commission on Elections (COMELEC) na mas mapapadali at epektibo ang trabaho ng COMELEC kasunod ng paglusot ng appointment nila Commissioners Nelson Celis and Ernesto Ferdinand Maceda, Jr sa Commission on Appointments (CA).

Nangangahulugan ito na ang appointment ng dalawa ay kumpirmado na at magtuloy-tuloy sila sa trabaho bilang COMELEC commissioner hanggang Pebrero 2, 2029.

Sina Commissioner Celis at Commissioner Maceda ay 2 sa 3 appointees ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. kasama ni COMELEC Chairman George Erwin M. Garcia.

Ang COMELEC, sinabi na malaking tulong sa Komisyon ang pagkakakumpirma ng appointment nila Maceda at Celis.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, papapatagin nito ang pamilya ng COMELEC at maraming mga pending cases ang maaring agad masolusyunan sa pagiging permanente ng dalawa sa pwesto.

 “Ang isang pamilyang buo ay isang pamilyang matatag. Madami ang lulutas ng suliranin at magsisigurado na ang boto ng bawat Filipino ay mabibigyang halaga,” ayon kay Atty. George Erwin Garcia.

Ayon naman kay COMELEC spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, kumpleto na ang miyembro ng en banc at ng dalawang dibisyon kasunod ng paglusot ng mga ito sa CA.

Dagdag nito, mas magiging episyente at epektibo na ang COMELEC sa pagganap nito ng tungkulin dahil madidistribute nang maayos ang trabaho sa komisyon.

Ayon dito magkakaroon na ng Commission in Charge sa mga working committee o task force sa COMELEC.

“Also, administrative and operations phases of the Commission’s mandate can likewise be distributed more evenly, efficiently and effectively, wherein a Commissioner-in-Charge can be designated to head a standing or working committee or a task force,”  ayon kay Atty. Jhon Rex Laudiangco.

Sa ngayon ang 7 na bumubuo ng COMELEC en banc ay sina Chairman George Erwin Garcia, mga commissioner na sina Socorro Inting, Marlon Casquejo, Aimee Ferolino, Rey Bulay, Nelson Celis at Commissioner Ernesto Ferdinand P. Maceda, Jr.

Follow SMNI NEWS in Twitter