Paglabag ni Arjo Atayde sa protocol ng Baguio City, pinaiimbestigahan

Paglabag ni Arjo Atayde sa protocol ng Baguio City, pinaiimbestigahan

IPINAG-UTOS ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na imbestigahan ang kasong paglabag ng aktor na si Arjo Atayde.

Ito’y matapos matuklasan na umalis ng Baguio si Arjo nang hindi nagpaalam sa lokal na pamahalaan kasunod ng pagpositibo nito sa COVID-19 bagama’t naiwan naman ang siyam katao na kasamahan nito sa production na nagpositibo rin.

Matatandaan na dalawang buwan nang nag-shooting ng pelikula ang production team ni Arjo sa Baguio City.

Samantala, humingi na rin ngayon ng paumanhin ang Feelmaking Productions Inc. sa lokal na pamahalaan ng Baguio hinggil sa nangyari.

Ayon kay Ellen Criste, head ng production, nagkaroon ng sintomas si Arjo tulad ng mataas na lagnat, pananakit ng ulo at kahirapan sa paghinga kaya nagdesisyon ang mga magulang at doktor ng aktor na agad itong dalhin sa isang ospital sa Maynila.

Una nang ipinaliwanag ni Mayor Magalong na may mga kasunduan sila ng team ni Arjo na hindi nasunod tulad na lamang ng hindi pagkakaroon ng bubble ng production team na binubuo ng isandaang katao.

 

 

SMNI NEWS